10 DAYS CHALLENGE:
Gawaing Pansibiko
Day 1

Sa pag-uwi ko sa bahay galing sa paaralan, meron akong nakikitang basura na nagkalat sa daan sa harap ng aming bahay. Nagkalat dito ang mga plastic at mga sanga ng mga tanim sa paligiran. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa unang araw ng aking 10 Days Challenge. Ang gawain na ito ay ang pagpulot ng basura sa daan ng aming subdivision. Nakakatulong ito sa mamamayan sa pamamagitan ng pagmamanatili sa kalinisan ng aming subdivison. Nakakutlong din ito dahil ito ay nakatulong sa pag-iwas ng pagdami ng mga peste kagaya ng mga daga at ipis. Maganda sa kalooban ang aking naramdaman sa aking ginagawa. Kahit walang nakakita na pinulot ko ang basura, maganda parin ang aking naramamdaman dahil nakatulong ako sa aking mga mamamayan. Sa totoo ang unang pumasaok sa isip ko ay nakakapagod ang pagpulot ng basura at mabuti nlang ang iba nalang ang pupulot sa basura. Pero pinag-isipan ko ito ng mabuti at ginawa ko ang tama na kung saan pinulot ko talaga ang basura at tinapon sa basurahan. Habang ginawa ko ito ako ay tinatamad sa pagpulot sa basura dahil pinagod ako sa paaralan pero natapos naman ang palilinis. Kung sa susunod ay may pagkakataon na may basura sa daan ay gagawin ko parin ang aking nagawa. Kahit maliit lang aking nagawa ay para sa akin ay ito parin ay may malaking epokto sa aking komunidad at sa mamamayan. Gusto ko sana ipakita sa lahat na kahit na ang iyong nagawa ay maliit lamang na bagay ay may malaking epekto ito sa ating paligiran.
#SeniorsInAction
Day 2

Sa ikalawang araw ng aking 10 Days Challenge ay lumabas ako sa aming bahay at nakita ko na maraming mga alabok na nagkalat sa harap ng aming bahay. Sa nakikita ko ginagamit ng mga bata ang alabok na ito upang mag-drift gamit ng kanilang mga bisikleta. Pumasok ako uli sa aming bahay para kumuha ng walis at pandakot. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ikalawang araw ng aking 10 Days Challenge, Ang pagwalis ng mga alabok sa daan. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa mamamayan dahil ito ay para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Kung hindi walisan ang mga alabok na ito ay may pagkakataong ma-aksidente dahil dito lalo na sa mga kabataan na naglalaro sa labas.Ginagawa ko ito dahil noong bata pa ako ay na-aksidente ako dahil sa alabok. Ang nararamdaman ko sa gawaing ito ay masaya dahil nakatulong ako sa kaligatasan ng aking mga mamamayan. Ngunit nakita ko sa mga bata na nag-bisikleta na habng nagwawalis ako sa alabok ay nalungkot at nagalit sila dahil hindi na sila makagawa ng tricks gamit ng kanilang mga bisekleta. Nagpapatuloy parin ako dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat. Habang ginagawa ko ito ay ang nasa isip ko lamang ay ginagawa ko ito para sa kaligtasan ng lahat, hindi ko na pinansin ang mga reaksiyon ng mga bata at nagpapatuloy ako sa pagwawalis. Kung sa susunod ay may pagkakataon na ako ay magwalis sa alabok sa daan ay gagawin kopa rin ito dahil napaganda sa loob na ginagawa ko ang gawaing ito para sa kaligtasan ng lahat.
#SeniorsInAction
Day 3
Ngayon ay pumunta ako sa Manila Memorial Park dahil ngayon ang araw na ililibing ang tatay ng aking tita. Pagkatapos na inilibing ang tatay ng aking tita ay kumain kami, sa nakikita ko ay maraming basura ang nagkalat sa lupa. Nakita ko naman ang isang babae na may dalang karton at pinulot ang mga basura. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ikatlong araw ng 10 Days Challenge, ang pagtulong sa pagpulot ng basura sa sementeryo. Agad akong tumayo at nagkuha ng plastik at karton para pulitin ang basura na nasa paligiran. Nakakatulong ito sa mamamayan dahil ito ay para sa kalinisan sa sementeryo. Dapat nating mapanatili ang kalinisan ng ating mga sementeryo lalo na kapag bumisita tayo sa mga patay. Ito rin ay para hindi na mahihirapan ang mga tao na maglilinis sa mga nagkalat na basura. Napakaganda sa loob noong nakita ko ngumiti ang mga tao nasa paligid dahil tumulong ako sa babaeng nagpulot sa mga basura. Nakita ko din ngumiti yung babae sa akin at nagpapatuloy ako sa pagppulot ng basura sa aking paligid. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko to ay ang kalinisan ng aking kapaligiran at ang saya ng mga tao dahil sa aking nagawa. Ngunit ang isa rin na nasa isip ko ay ang tingin sa iba sa akin, baka ang unang papasok sa kanilang isipan ay ako ay isang basurero. Pero hindi ako huminto sa aking ginagawa nagpapatuloy parin ako sa pagpulot ng basura. Kung sa susunod ay may pagkakataon na magawa ko ito muli ay gagawawin kopa rin ito dahil ito ay para mapanatili ang kalinisan ng sementeryo. Sana sa aking nagawa ay may nabigyan akong inspirasyon sa iba lalo na sa mga tao na nasa paligid ko.
#SeniorsInAction
Day 4

Sa araw na ito ay pumunta ako sa aming paaralang Divine Life Institute of Cebu o DLIC. Sa aming asignaturang AP (Araling Panlipunan) ay ipinagawa kami ng isang advertisement na kung saan nagpapatungkol sa lokal na mga produkto tulad ng mga bagay at pagkain. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ika-apat na araw ng 10 Days Challenge, Ang pagendorso ng mga lokal na produkto. Kasama ng aking mga kaibagan o kaklase ay bumuo kami ng isang jingle at slogan tungkol sa lechon. Sa aming jingle at slogan ay ipinakita namin kung bakit natin bumili ng lechon kagaya ng gaano ka sarap at gaano ka lutong ang isang lechon. Nakatulong ang gawaing ito sa mga mamamayan lalo na sa mga nagtitinda ng lechon dahil hinikayat namin ang aming mga kakalse na tayo ay dapat bumili ng lechon. Ang gawaing ito ay nagbibigay ng interes sa mga tao na bibili sila ng lechon at posible naman na hinakayat namin ang mga kaklase na di pa nakakain ng lechon na subukang tikman ang lechon. Habang ginanap namin ang aming presentasyon ay saya ang aking nararamdaman. Ako ay natutuwa sa aming ginawa dahil sa liriko ng aming kanta at sa aming dula. Ang nasa isip ko habang ginagawa ito ay paano pa namin gawing maganda ang aming presentasyon upang marami sa aming mga kaklase ay ma hikayat sa pagbili ng lechon. Kung sa susunod ay mabigyan ako na pagkakataon na gumawa ng advertisement ang isang bagay ay baka hindi ko na uulitin ito dahil napakahirap gumawa ng isang jingle at slogan para sa isang lokal na produkto pero kapag inatasan ako muli gumawa ng isang advertisement ay pwede kopa rin gagawin ito dahil napakasaya gawin ito.
#SeniorsInAction
Day 5

Sa araw na ito ay habang ako ay naglalakad sa daan ay may nakita akong isang ina na may dalang dalawang bata kasama. Sa daan na ito ay marami na ang naaaksidente dahil marami na mga tao ang nasagasaan sa daan na ito, kagaya ng mga bata at mga matatanda. Sa nakikita ko ay siya ay nahihirapan dumaan dahil napalikot ng kanyang dalawang anak at magiging mapanganib ito kapag tumawid sila sa daan. Ito ang gawaing pansibiko ang aking nagawa sa ika-lima na araw ng 10 Days Challenge, Ang pagtulong sa isang ina tumawid sa daan. Nakita ko ang ina at ang mga bata sa gabi at nagpasya ako na tulungan ko sila dahil nahihirapan sila tumawid sa daan. Nakakatulong ang gawain ko dahil hindi na mahihirapan ang ina sa pagtuwid sa daan dahil tinutulungan ko ang ina sa pagdala sa isa sa kanyang bata. Napakasaya makita ang ngiti ng ina dahil pinahinto ko yung mga dumadaang sasakyan para makatuwid sila. Nagbibigay din ng saya sa aking damdamin noong nagpapasalamat ang ina sa akin. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay ang mga kahirapan ng mga ina sa pagpapa alaga ng kanyang mga anak. Ako ay naawa sa ina dahil sakanyang mukha ay di niya alam ang kanyang gagawin. Kapag sa susunod ay mabibigyan ako ng pagkakataon na gawin ulit ito ay gagawin ko pa rin dahil ito ay nagbibigay insperasyoin sa mga tao at pwede din ako maging isang halimbawa sa mga bata lalo na sa mga bata kasama ko sa araw na ito.
#SeniorsInAction
Day 6

Ngayon ay pagkatapos ng klase at sa paggawa ng aming costume ay pumunta ako sa Angel’s Burger para kumain ng burger. Dito kumain ako ng dalawang burger at pagkatapos ay napansin ko na maraming mga plastik nagkalat sa lamesa. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ika-anim na araw ng 10 Days Challenge, Ang paglilinis ng kalat at mga plastik sa lamesa. Pagkatapos ako kuamin ay agad ko kinuha ang aking basura at tinapon sa tamang lugar. Bago ako umalis ay kinuha ko rin ang kalat ng ibang tao kagaya ng mga iniwang plastik, paperbag at straws. Nakakatulong ito sa mamamayan lalo na sa ibang mamimili at sa nagbebenta. Nakakatulong ito sa ibang mamimili dahil kapag malinis ang lamesa ay hindi na sila maiinis sa mga kalat na makikita sa lamesa at sa nagbebenta naman ay hindi na siya mapapagod linisin ang mga kalat at ang atensiyon niya ay palati sa na pagluluto, wala nang ibang gagawin. Ang nararamdaman ko habang ginagawa ko ay maganda dahil napakagandang tanawin kapag nakita ko ang kalinisan sa isang Food Chain. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ang gawaing ito ay ang kahalagahan ng kalinisan sa isang Food Chain. Kapag nakikita ng mga tao na ang lugar na ito ay napakamarumi ay walang gustong kumakain sa lugar dahil sa unang tingin pa lamang ay nakasusuklam na. Kapag sa susunod ay mabibigyan ako ng pagkakataon na gawin ito ay papayag ako dahil ginagawa ko naman ito kapag ako ay kumain sa isang restaurant, kalinderya, at sa iba pang lugar.
#SeniorsInAction
Day 7
Sa umaga ng ika-pitong araw ng 10 Days Challenge ay may dumating na malakas na ulan. Dahil sa ulan na ito, marami ang nahihirapan at di makapasok sa klase. Pumunta ako sa paaralan gamit ng aming sasakyan. Pagdating ko sa paaralan ay nakikita ko ang mga kaklase ko na nagdala ng mga payong para sa mga estudyante at sa mga guro na papunta sa paaralan. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ika-pitong araw ng 10 Days Challenge, Ang pagtulong sa mga nababsang guro at estudyante. Nakakatulong ito sa mamamayan lao na sa mga estudyante at sa mga guro dahil pwede rin nila maiiwasan ang mga sakit kagaya ng lagnat, sipon o ubo mula sa ulan. Ito rin ay para hindi mabasa ang kanilang mga gamit kagaya ng mga aklat, kwaderno, laptop at iba pa. Habang ginagawa ko ito ay ang nararamdaman ko dito ay stress at nasaya din ako dahil marami talagang tao ang nangangailangan ng tulong. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nasaya ay may isang ina na nagpapasalamat sa akin at nag sabi pa ng “I Love You”. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay ang kahirapan dulot sa ulan. Nararamdaman ko din ang kanilang nararanasan kapag walang dala na payong lalo na kapag umulan dahil maari mabasa ang aking mga gamit at mabasa din ang aking uniporme. Habang ginagawa ko ang gawaing ito ang sapatos at medyas ko rin ay nabasa dahil sa tubig ng ulan. Kapag sa susunod ay mabigyan ako ng pagkakataon na magawa ulit ito ay gagawin ko pa rin ito dahil masaya ito gagawin at nagbibigay ng sigla sa aking puso.
#SeniorsInAction
Day 8
Pagkatapos ng klase ay pinasama ako ng aking mga kakalase papunta sa isang cafe, dito ay kami ay nagsiyahan at uminom. Pagkatapos namin nagsiyahan, kumain, at uminom, nakita ko na ang kasama ko ay agad umalis at hindi inayos ang mga unan sa dating ayos. Ito ang gawaing pansibiko na aking ginawa sa ika-walong araw ng 10 Days Challenge, Ang pag-ayos sa mga unan sa dating ayos at ang paglinis ng kalat. Nakakatulong ito sa mamamayan dahil hindi na mainis o mahirapan ang mga empleyado sa paglinis at sa pagayos ng aming mga kalat. Ito ay para din hindi na mabigat sa loob ng mga empleyado ang paglinis ng aming mga kalat dahil alam ko na marami pa silang mga customer na asikasuhin at di na ako magpapabigat sa kanilang mga trabaho. Ang nararamdaman ko habang ginagawa ko ito ay napapagod ako dahil marami ang aming mga kalat at napakagulo ng mga unan. Ang nasa isip ko habang ginagawa ito ay kung bakit ba ginagawa ko ito at sumagot ako sa sirili na ito ay para sa kabutihan hindi lang para sa akin pero sa iba ding tao. Inisip ko din na kahit di nakita ng mga empleyado nalinis ko ang aming kalat ay gusto ko makita ang ngiti sa kanilang mukha kapag nakita na madali na linisin ang aming kalat dahil ito ay naayos. Kapag ako ay mabibigyan ng pagkakataon na gawin ulit ito ay di ako sigurado kung may kakayahan ako gawin ito dahil alam ko na ako ay tamad sa paglilinis lalo na kapag ako ay nasa mga cafe o sa ibang lugar. Pero susubukan ko ang aking makakaya na linisin at ayosin ang sariling kalat.
Day 9
Habang ako ay papunta sa aming bahay ay nakita ko may nagtakbohan at may hinabol. Tinanong ko ang mga bata na naglaro kung ano ang nangyari sa kasulukuyan. SInabi ng mga bata na may isang aso na nakatakas sa isang bahay. Binabalewala ko muna ito dahil diko napansin o nakita ang aso na nakatakas. At doon ko nakita ang aso na tumatakbo sa aking harapan. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ika-siyam na araw ng 10 Days Challenge, Ang pagdakip ng isang asong nakatakas. Sa sandaling tumakbo ang aso sa harap ko ay agad ko kinuha ang aso at naging matagumpay ang pagdakip sa aso. Ito ay nakakatulong sa mamamayan dahil may posibilidad na may makagat sa aso at mag karon ng rabies at ang posibleng mabiktima nito ay ang mga bata na naglaro sa gilid. Ito ay nakakatulong din lalo sa may-ari dahil di na niya kailangan pang habolin ang asong nakatakas. Ang aking nararamdaman habang ginawa ko ito ay maganda at masaya dahil napakasaya habolin ang isang aso, pero hindi ito masaya kapag ang aso ay agresibo. Napaka-swerte ko noon dahil ang aso ay hindi agresibo at ito ay mabait. Ang nasa isip ko habang ginagawa ko ito ay ang posibilidad na ako ay kagatin ng aso dahil di alam ng aso sino ako at pwede akong kagatin nito. Kapag sa susunod ay mabibigyan ako ng pagkakataon na gawin ito muli ay papayag padin ako dahil napakasaya habolin ang isang aso, pero bago ko gawin ito ay dapat kong isipin ng mabuti ang mga panganib sa gawaing ito kagaya ng pagkagat ng aso.
#SeniorsInAction
Day 10

Papunta sa aming bahay ay napapagod ako dahil sa mga takdang-aralin at sa mga gawain sa paaralan. Habang ako ay naglakad ay nakita ko isang babaeng drayber na nahihirapan sa pagmaneho sakanyang sasakyan. Nahihirapan siya mag-backing or mag-reverse at doon tinulungan ko ang nahihirapang babae. Ito ang gawaing pansibiko na aking nagawa sa ika-sampung araw o ang huling araw ng 10 Days Challenge, Ang pagtulong sa isang babaeng drayber. Nakakatulong ang gawaing ito sa mamamayan dahil marami pang ibang sasakyan ang dadaan sa daang ito. Ang daan na ito ay napakakipot, at isang sasakyan lang ang pwedeng makadaan dahil sa pagkakipot ng daan. Tinulungan ko ang babae dahil sa nakita ko na pressured na siya sa kanyang ginawa. Tinulungan ko siya sa pamamagitan ng paggamit ng mga senyales. Ang nararamdaman ko habang ginawa ito ay stressed dahil hindi madali ang pagtulong sa babaeng drayber na ito. Wala din akong alam kung paano magmaneho ng sasakyan at ang maitutulong ko lang sa babaeng ito ay mag bigay lamang ng mg a senyales. Ang nasa isip ko habang ginawa ko ito ay baka meron pang ibang sasakyan na dadaan sa daan na ito at ito ay magpalaki sa problema. At pag meron pang sasakyang na darating ay ito na ay napakahirap nang gawin ng solusyon sa problemang ito at pwede din na ito ay magbibigay ng gulo sa daloy ng trapiko sa daang ito. Kapag sa susunod ay mabigyan ako ng pagkakataon na gawin ito ay sa totoo lang ay hindi na dahil napakahirap ang gawaing ito.
#SeniorsInAction
Reflection
Sa 10 Days Challenge sa na ito ay nagbibigay ng mga aral sa aking buhay. Natutunan ko na kahit maliit lang ang gawain na nagawa ko ay meron padin itong malaking epekto sa mamamayan. Napakasayang makita ang mga ngiti ng mga tao na natutulungan ko kagaya sa ina sa ika-piyong araw ng 10 Days Challenge na ngumiti dahil tinulungan ko ang kanyang anak at ang kagamitan ng kanyang anak. Kahit ito ay isang challenge ng aming guro sa Araling Panlipunan ay hindi ako napipilitan gumawa sa mga gawaing ito. Ang gawain na ito ay nagmula sa aking puso at hindi ako napipilitan, ginagawa ko ito para sa kabutihan sa aking sarili at sa iba pang tao. Sana sa lahat ng gawain na aking nagawa ay hiniling ko na kahit isang tao lamang ay may nabigyan ako ng inspirasyon upang sila ay makagawa ng mga aksyon o mga gawaing pansibiko.
#SeniorsInAction
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.



